Liwanagan Mo, Hesus

(Hangad)

Masdan natin ang ating daigdig:
Ginawang tahanan ng D'yos nating mahal.
Ngunit sa pagdaan ng maraming panahon,
Nabalungan ng kadiliman at nauhaw sa pagmamahal.

Damhin natin ang kalooban:
Ginawang himlayan ng Diyos nating mahal.
Ngunit sa pagsapit ng sigwa at tag-init sa ating buhay,
Nawalan ng malay at nanlamig sa pag-ibig.

Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Yakapin Mo ang 'Yong bayan, sa 'Yo'y naghahanap.
Ang matalinhagang ilaw Mo't pagmamahal,
Pumapawi ng karimlan.

Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Ipakita Mo ang 'Yong mukha at kami'y maliligtas.
Kapayapaan at dangal isinag Mo,
At maninibago ang wangis ng Iyong mundo

Ang tawag ni Hesus, pakinggan.
Isabuhay natin mithi ng Kaharian.
Magpawi ng gutom, sa uhaw magpainom,
Sa nasugatan ay magpahilom, sa maysala, magpatawad.

Kaharian ng Maykapal sumasaatin na
Sa pamamagitan ni Hesus!

Sa Kabila Ng Lahat

(J. Nez F. Marcelo)

Panginoon narito kang gumagabay sa akin
Pag-ibig Mong wagas ay kakamtin
Walang makakapantay,sa awa mong taglay
O,Panginoon,buhay Mo'y iaalay...

Panginoon,dulot Mo ay pag-asang walang hanggan.
Puso Mo ay sa mundo nakalaan
Kapangyarihan Mo'y tunay
Aking isasalaysay
O,Panginoon....dakila Kang tunay..

Koro:
Sa kabila ng lahat
Yayakapin Mo pa rin ako
Sa kabila ng lahat
Aakayin Mo pa rin ako
Sa kabila ng lahat
Buhay Mo'y inalay Mo
Sa kabila ng lahat
Pinatawad Mo ako.

Kapuri-puri Ka

Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha ng lahat
Sa Iyong kagandahang-loob narito ang aming maiaalay

Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
Ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay

Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman
Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman

Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa
Ang alak na ito para maging inuming nagbibigay-lakas

Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman
Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman

Sumasampalataya Ako Sa Diyos

(Ryan Cayabyab / Mass for Peace)

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat
na may gawa ng langit at lupa

Sumasampalataya ako kay Hesu-Kristo
iisang Anak ng Diyos
Panginoon nating lahat
Nagkatawang tao siya
Lalang ng Espiritu Santo
Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato
Ipinako sa Krus, namatay, inilibing
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao
Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli
umakyat, umakyat sa langit
Naluklok sa kanan ng Amang
Makapangyarihan sa lahat
Doon magmumulang
paririto at huhukom
sa nangabubuhay,
at nangangamatay na tao

Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo
Sa Banal na Simbahang Katolika
Sa kasamahan ng mga Banal
kapatawaran ng mga kasalanan
sa pagkabuhay muli ng nangamatay na tao
At sa buhay na walang hanggan
sa buhay na walang hanggan
sa buhay na walang hanggan …..

Amen. Amen. Amen!



Performed by Jimmy Bondoc, Piolo Pascual and Jeffrey Hidalgo.
From MASS FOR PEACE by Ryan Cayabyab



 

Copyright @ 2020 All rights reserved.