Umasa Ka sa Diyos

The song Umasa Ka Sa Diyos (Hope in God) was penned by Fr. GBoi Samonte of the Diocese of Malolos. It is a beautiful song based on the Book of Psalms 37:1-40. Here is the link to the English version Psalms 37:1-40.

The Filipino version of this Psalm is even more beautiful. The words in Filipino make the message even more poignant, accurate and achingly touching. Click on Awit 37:1-40 to find out for yourself.

This Psalm is a poem about the what happens to people who are good and people who are evil. It encourages us to put all our hope in God, to be at peace with His plans for us and to do good every chance we get. To wait on the Lord until His deliverance comes. To carry on despite adversities and even when evil-doers prosper. For their prosperity is short-lived and will come to naught. Just when we think we are at the end of everything, that we have exhausted all our efforts and resources, just trust in Him. His help will ALWAYS come, and it is ALWAYS the best for us.

Lyrics 

Chorus:

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin
At manahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan
At pangarap mo ay makakamtan.

1. Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak,
Pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap;
Ang kabutihan mo ay magliliwanag,
Katulad ng araw kung tanghaling tapat. (Chorus)

2. Sa harap ng Diyos ay pumanatag ka,
Maging matiyagang maghintay sa kanya;
H’wag mong kaiingitan ang gumiginhawa
Sa likong paraan, umunlad man sila. (Chorus)

Ending: At pangarap mo ay makakamtan...

Gandang Sinauna at Sariwa

 (Bukas Palad)

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat Kang nanahan sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag sa likha Mong tanan
Di ko akalaing Ikaw pala'y nilisan

Ako'y tinawagan mula sa katahimikan
Pinukaw Mo ang aking pandinig
Biglang luminaw ang awit ng daigdig

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat Kang nanahan sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan

Ako'y inilawan mula sa 'king kadiliman
Minulat Mo aking mga mata
Biglang luminaw tanglaw ko sa tuwina

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag sa likha Mong tanan
Di ko akalaing Ikaw pala'y nilisan

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Akong nilikha Mo, uuwi rin sa 'Yo
Ako'y papayapa lamang sa pilin Mo

Note:  Click this link "Beauty Ever Ancient, Ever New" for the English version and a brief history of this beautiful and prayerful song. 





 

Copyright @ 2020 All rights reserved.