Kapuri-puri Ka

Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha ng lahat
Sa Iyong kagandahang-loob narito ang aming maiaalay

Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
Ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay

Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman
Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman

Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa
Ang alak na ito para maging inuming nagbibigay-lakas

Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman
Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at magpakailanman


 

Copyright @ 2020 All rights reserved.